PAANO BA MAGING TRADER?

Paano ba maging stock market trader?

Isipin mo muna ito, kung gusto mo ba talaga maging Trader or Investors?

Trader has two options, it's either a trader or an investor. Me I consider myself as a Trader, for example I buy stock today, then I gonna sell it end of the day. E.O.D kung tawagin. Pwedi ko rin sya ibenta kung kelan ko gusto, pero syempre hindi ko sinabi na tama yon. Especially kung bear market. I usually hold stocks, if nakikita kong bullish o uptrend sya.
            
Investors; most investors are in business industry, so wala kasi silang time magbantay or laging mag check ng market.



Since ako ay trader and this blog is my book, ang ma i-share ko lang sainyo is ung side ng trader, or experience ko as a trader, okay? I do 80% T.A then 20% F.A pero madalas 100% T.A ako, kasi tamad ako mag basa or mag research. Pero the best kung T.A and F.A ang gagawin. Sabi nga nila, pag ipit sa F.A kumakapit aha! Soon magegets nyo rin yan.

-Technical Analysis ( T.A ), Fundamental Analysis ( F.A ).

Now assume nyo na trader din ang gusto nyo, now ano naman ung Risk Appetite nyo. Ang part na ito ay napaka importante, kung baga ito ung bahay mo sa market.

Kaya mo bang itaya ang bahay ninyo, para magkaroon pa ng isang Bahay?

In a trader perspective, Kaya mo bang itaya ung buong pera mo para dumami pa or dumoble pa?

Dumami? dumoble? Syempre Oo dba? ahah!

Trading is very risky, especially if you don't know how to manage your own risk. Syempre ubos lahat ang pera mo, KUNG HINDI MO ALAM ANG GINAGAWA MO.

But of course, highly rewarded din. 100,000 can make 1 million in just a year, kung magaling ka.

Kinaganda sa crypto trading may leverage, if tumaya ka ng 100 pesos at x5 leverage. Ung 100 pesos mo is magiging 500 pesos na (100 x 5 = 500) another example: 100 x 10 = 1,000.

Paano naman kumikita? Sa ibang blog na yon. 

Paano kung wala kang 100,000? Pwedi ka naman mag starts around 5,000 pesos above. use the power of compounding.


Example:
5,000 pesos pera mo, kailangan this year 10,000 na sya. Or na DYM (Double your money) muna ung pera mo this year.


            YEAR            Balance            End of Year

             2022               5,000                 10,000
             2023              10,000                20,000
             2024              20,000                40,000
             2025              40,000                80,000

Pero hindi yan ang reality! sa trading mas madalas kang matalo, pero dapat ma cover din sa panalo mo.

Dito naman ung tinatawag na RRR o Risk Reward Ratio.

Example:

Balance or portfolio mo is P5,000 (in this sample you gained +6,000, not just double your money, right?)

            Trade                 Profit and Loss (PnL)          Balance
           P1,000                        -500                               P4,500
           P1,000                        -500                               P4,000
           P1,000                        1,000 (1:1 ratio)            P5,000
           P1,000                        1,000 (1:1 ratio)            P6,000
           P1,000                        2,000 (1:2 ratio)            P8,000
           P1,000                        3,000 (1:3 ratio)            P11,000

Yan ang power ng risk management and also position sizing. Kung magaling ka at hindi mo nakikita matatalo ka, maligo ka muna aha. Again, mas malaki ang chance na matalo ka, pero dapat mababawi mo din yun sa reward or wins mo. Gets?

So anong gusto mo maging? trader or investor?

Ano ang risk appetite mo? ok lang ba sayo ang matalo ng 500 kada trade? kahit hindi mo alam kelan ka mananalo.

Risk appetite ko is:
P500     per loss  (Conservative)
P1000   per loss  (Neutral)
P1,500  per loss  (Aggresive)

Sa next blog ko i explain ko paano ako nag ta--transition as a Conservative to Neutral, Neutral to Aggressive, Aggressive to Conservative.

Example nag trade ako as CONSERVATIVE PLAY (Bear market)

Balance or portfolio ko is P5,000 (in this sample I loss -3,000)

  Trade                 Profit and Loss (PnL)            Balance
 P1,000                -500   (Conservative)              P4,500
 P1,000             -1,000   (Neutral)                       P3,500
 P1,000             -1,500   (Aggressive)                 P2,000

Sa part na ito usually newbie mistakes ung ganitong loss, kasi wala pa silang idea sa risk management at position sizing.

At ang last na tanong mo sa sarili, bakit gusto mo maging trader? para sa pera? xempre diba?
paano kung hindi ka kumita at puro talo ka, ang masama pa doon is naubos na pera mo? ano na next mong gagawin? suko kana? Maging advance kana, kasi hindi pinupulot ang pera. i sure mo muna kung gusto mo ba talaga matuto ng trading, madaling sabihin na Oo kasi alam mong malaki ung kinikita, pero ung consistent, patience at dedication mo para maging trader meron kaya? If wala for sure ipamimigay mo lang ang pera mo sa market.

Think about this:
Paano mo tuturuan ung bata magluto? Sasabihin mo magbasa-basa lang sya? i-google lang nya? i-YouTube lang nya? Matututo sya Oo, pero ung mga risk alam na ba nya lahat? Makukuha kaya nya ung tamang lasa o timpla ng niluluto nya? 

Goodluck! 

Years bago matuto ng trading, itong una ko na blog almost 1 year palang ako sa trading. Breakeven lang ako sa trading, lalo na bear market baby ako. sobrang hirap kumita.

if meron kayo mga katanungan, comment nyo lang sa baba. 


Comments

Popular posts from this blog

PAANO GAMITIN ANG FIB (FIBONACCI TOOL)?

MARKUP PHASE OF MARKET CYCLE

DISTRIBUTION PHASE OF MARKET CYCLE