PAANO GAMITIN ANG FIB (FIBONACCI TOOL)?
Isang fact muna about Fib (Fibonacci), ang fibonacci daw ay makikita sa maraming bagay. Kagaya ng bulaklak, sa katawan ng tao, sea shell at marami pa. search nyo nalang sa internet kung interesado pa kayo. So, let's start na!
Paano nga ba gamitin si Fib,at saan ba sya makikita?
i-double click nyo lang ito. At marami pa kayong makikitang bagong tools na lalabas, at hanapin nyo lang ung "Fib retracement", personally dalawa lang ang gamit ko na Fib. ung Fib retracement at ung "Trend-Based Fib Extension".
at kung makikita nyo may star sya sa gilid, meaning nasa favorite tools kuna sya to easy access kapag nag pu-full analizing na ako sa charting.
Napaka colorful nya, so iniba ko ung settings nya para hindi masakit sa mata.
Kung gusto nyo i-change ung settings, hanapin nyo lang ito
Ang pag gamit ng Fib ay naka dipende sa style mo kung Body to Body, o Wick to Wick, at dapat alam mo ang swing high/swing low.
Ako paano ako gumamit ng fib? ginagawa ko both Body to Body, and Wick to Wick. Tinitignan ko kung saan mas ok or mas saan tumatama ung setups ko.
Ang Fib ay bibigyan ka lang nya ng idea kung saan magandang mag buy or mag sell. At yon ay dipende sa strategy mo. Tulad nito if sa straregy mo ay buy on pull back ka. magkakaroon ka ng 60% na profit.
Tips on how I use fib.
Swing high then pull back at 0.5, Pull back at Swing low same lang.
Paano naman gamitin ung Trend-Based Fib Extension? ginagamit ko lang sya kapag ung gusto ko i trade is wala syang clear na resistance. or kapag nasa all time high na ung price.
Bite size lang ito ng Fib.
Ang Fib ay sobrang powerful na tool kaya ito ay gamit na gamit sa pag analyst ng price movement, kanya-kanya din ng strategy kung paano sya gamitin. Meron mga trader na pag nasa 0.618 na mag Buy long na sila, or Sell short, ako personally hindi ko sya ginagamit pang buy and sell, ginagamit ko sya pang align ng pag buy or sell ko. What I mean is hindi porket nasa 618 areas sya is time to buy or sell for me. Again kanya kanya ng strategy. lahat may Pros and Cons ok. kaya sa trading is importante na malaman mo ung trading style mo, trading strategy.
tandaan nyo ito, kahit sinong tanungin nyo na professinal na trader, ung kilala nyong pinaka magaling na trader. ask nyo! 100% ba kayong kikita sa system or trading strategy nya. Kapag sinabi nya "Oo", iwan at kalimutan mo na yang tao na yan. Pero kung ayaw mo talaga Go! Goodluck!









Comments
Post a Comment